Thursday, September 01, 2005

Mangyari Lamang

Mangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmahal
nang makita ng lahat
ang mukha ng pag- ibig
ipamalas ang tamis
ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paningin

mangyari lamang ay tumayo rin
ang mga nagmahal at nasawi
nang makita ng lahat
ang mga sugat ng isang bayani
ipadama ang pait ng kabiguan
habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan
ng isang nagtaya

mangyari lamang ay tumayo
ang mga nangangambang magmahal
nang makita ng lahat
ang kilos ng isang bata
ipamalas ang katapatan ng damdamin
na pilit ikinukubli
ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata

mangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmahal, minahal at iniwan
ngunit handa pa ring magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahuluganang mga paghagulgol sa dilm
at sa mga nananatiling nakaupo

mangyari lamang ay dahan- dahang tumalilis
papalabas sa nakangangang pinto
umuwi na kayo
at sumbatan ang mga magulang
na nagpalaki ng isang halimaw

at sa lahat ng naiwang nakatayo
mangyari lamang ay hagkan ang isa't isa
at yakapin ang mga sugatan
mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik
sa ating pinagmulan

manatiling masaya
at higit sa lahat magpatuloy
sa pagmamahal

-isang tula na binasa ni bobby guev

5 comments:

Anonymous said...

onga pala mike.. ndi ko natanong..

nakaupo ka ba..

o nkatayo?

hehehe!

infobuilder said...

mhia naman, sympre nakatayo! :p

Anonymous said...

Live from the internet, it's your best of Weblogs, Inc.
Posted Sep 3, 2005, 3:00 AM ET by Weblogs, Inc. The Weblogs, Inc. network features over 100 independent, unfiltered bloggers producing over 1,000 blog posts a week across over 75 industry-leading blogs.
A real sweet blog. Don't stop now. If you work long hours I'm sure you'd be interested in Nutritional Supplements Think about Nutritional Supplements

Anonymous said...

pang-ilan ka tumayo?

hehehe!

infobuilder said...

hahaha!! Sa akin na lng yun! :p